The Wizard of Subjective Wisdom

Ni hao mah! im EDALS twenty something but thinks like a thirty something...LOL.

im an ordinary creature with an extra ordinariness rarely found in the universe. i learned in Philosophy that we can even declare ourselves as Gods so im declaring my Godhood...

as a proof of that...i have this understanding way beyond human comprehension (that's subjective not academic)

im endulged in human stories and i learn vicariously...
Tue Jun 9

for YOU from BOB

1. Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay. 10. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pangtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipag laban upang makasama ka. 12. Nagiging malungkot ang tao dahil pinipilit n’yang maging masaya. 3. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko. 5. Bababa ba ang bill ko sa Internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponent ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator! 6. Hindi dahil manhid ka ay wala ka nang kakayahang manakit. 11. Walang taong manhid. Hindi n’ya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo s’yang diretsuhin. 7. Minsan, para ka palang nagmahal ng pader. Habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. Pero siya, ‘di pa rin natitinag. 8. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. 9. Ang tamang bagay saka tamang panahon, wala na rin saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao pwede mag-adjust, pero ang bagay at panahon hindi. 13. Kung tutuusin, hindi naman masarap ang alak. Yung kainuman mo lang ang nagpapasarap. 14. Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo. 17. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin. 16. Pero hindi biro ang pagbabasa, rite of passage ‘to pag natuto ka. Ibig sabihin nabinyagan ka bilang “literate.” Kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies, at ng mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng “Bobo ang bumasa nito.”